Mag-ingat sa pagbili ng mga gadgets tulad ng laptops at cellphone sa mga online stores.
Ginawa ni Undersecretary Ruth Castelo ng DTI Consumer Protection ang babala matapos mapabalita ang karanasan ng 20-anyos na si Arthur Baylon ng Iloilo City kung saan sa halip na laptop ay tatlong bato ang nai-deliver sa kanya.
Ayon kay Castelo, maliban sa courier, dapat ding tiyakin ng online seller na kung anong in-order ng customer ay iyon din ang makakarating sa kanya.
Pahayag naman ng 3rd year student ng Bachelor of Science in Hospitality Management, gagamitin sana niya ang laptop para sa kanyang pag-aaral.
Sinasabing agad namang ni-refund kay Baylon ang P22,000 sa pamamagitan ng online wallet pero napilitan siyang mag-reorder dahil kailangan niya rin naman ang naturang laptop.