Nagbabala sa publiko ang Department of Trade and Industry (DTI) laban sa mga online scammer ngayong holiday season.
Ayon sa pamunuan ng DTI, talamak ngayon ang panloloko online dahil sa papalapit na kapaskuhan kaya hindi dapat magpadalus-dalos ang mga mamimili.
Bukod pa dito, karamihan din sa mga nagnenegosyo online ay walang mga business permit, BIR at physical address na nagpapatunay na lehitimo ang kanilang mga transaksiyon.
Para matiyak kung lehitimo ang pagbibilhan online ay dapat na siguraduhin ng mga mamimili kung may proper endorsement ang mga ito na nagpapatunay na totoo ang produktong ibinebenta o inaalok online.
Huwag ding papayag ng payment first at ugaliing tignan ang mga reviews o feedback nito pero maging matalino dahil kaya narin itong dayain at manipulahin. —sa panulat ni Angelica Doctolero