Nagpaalala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga retailer na huwag magbenta ng mga uncertified car seats.
Ito’y kasunod ng pagtaas ng demand dahil sa pagpapatupad ng child safety in motor vehicles act.
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, kailangan mag-secure ng certificate ng mga manufacturer, importer, distributor at seller ng child restraint system mula sa DTI.
Matitiyak na ito ay sertipikado sa pamamagitan ng PS mark o ICC sticker na nakasaad din sa batas.
Ngunit nilinaw ni Castelo na sa ngayon ay pino-proseso pa ang certification ng mga car seat at isang importer pa lang ang nabigyan ng DTI.