Naghahanda na ang DTI o Department of Trade and Industry ng livelihood funding program para matulungang makapagsimula ng negosyo ang mga residenteng apektado ng Marawi Crisis.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez tig 5,000 Piso ang inilalaan nila sa kada apektadong residente na nais mag negosyo tulad ng malapit na kainan o carinderia.
Subalit ipinabatid ni Lopez na uubrang mag avail sa ilalim ng kanilang P3 o Pondo para sa Pagbabago at Pag Asenso ang mga residenteng nais makakuha ng mas malaking kapital para makapagbukas ng negosyo.
Sinabi pa ni Lopez na tiwala silang makakahanap ng lugar sa Marawi City para sa mga pamilihan at maitayo muli ang public market dito.
By: Judith Larino
DTI naghahanda na ng livelihood funding para sa Marawi rehab was last modified: July 15th, 2017 by DWIZ 882