Naglabas ang Department of Trade and Industry ng mahigit dalawampung libong notice of violation laban sa mga online store na nagbebenta ng mga ipinagbabawal na produkto ng vape.
Sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo, na naka-monitor ang departamento sa mga online sellers para matunton ang mga nagbebenta ng mga iligal na produkto.
Dagdag pa ng Undersecretary, na nakumpiska ng DTI ang humigit-kumulang 3.5 milyong pisong halaga ng mga ipinagbabawal na vape at ipinasarado na rin ang ilang vape shop.
Nabatid na nakasaad sa Republic Act 11900 o Vaporized Nicotine and Non-nicotine Regulation Act, mahigpit na ipinagbabawal ang mga produktong vape na may makulay na packaging gayundin ang mga may lasa tulad ng strawberry ice cream o watermelon bubble sugar.