Iniulat ng Department of Trade and Industry (DTI) na aabot sa 51 retail firms sa bansa ang pinadalhan ng Show Cause Orders (SCO) noong Setyembre.
Dahil ito sa paglabag sa patakaran ng gobyerno sa Suggested Retail Prices (SRPs) para sa mga pangunahing pangangailangan at bilihin.
Ayon sa DTI, natuklasan nilang nagtitinda ang mga nabanggit na retail firms ng mga produktong 10 % mas mataas sa dapat nitong presyo, nang walang anumang price tag.
Binigyan naman ng DTI ang mga ito ang dalawang araw para makapagpasa ng written explanation.
Maliban sa ulat, natuklasan din ng DTI na 70 sa 76 na ininspeksiyong retail firms sa Pasig, Parañaque, Malabon at Quezon ay sumusunod sa SRP bulletin na inilabas noong August 12, 2022.
Dahil dito, lumalabas na 92 % ng mga negosyo sa National Capital Region ay sumusunod sa panuntunan SRP.