Nagpaalala sa publiko ang Department of Trade Industry (DTI) kaugnay sa hindi otorisadong Christmas lights at iba pang Christmas decoration.
Ayon kay DTI Usec. Ruth Castelo, mas mainam na bisitahin muna ang kanilang website bago bumili ng produktong may kaugnayan sa pasko para masigurong de kalidad ang mga ito.
Sinabi ni Castelo, na kung bibili ng Christmas lights, dapat na tignan muna kung mayroong Import Commodity Clearance stickers (ICC) mark na nakadikit sa naturang produkto dahil patunay na dumaan ito sa certification process.
Sa ngayon, aabot na sa 30 mga certified seller at retailers ng Christmas lights sa bansa, ang aprubado ng DTI na makikita sa kanilang consumer pages at sa kanilang official Facebook, Twitter at Instagram accounts.