Nakatakdang maglabas ang Department of Trade and Industry (DTI) ng bagong Suggested Retail Price (SRP) sa mga pangunahing bilihin sa huling linggo ng buwang ito.
Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, nagkaroon ng epekto sa mga presyo ng bilihin ang ilang kaganapan tulad ng inflation na nararanasan sa ibang bansa kaya’t hindi muna sila naglabas nang mas maaga ng SRP.
Tulad aniya ito ng pagtaas at pagbaba sa presyo ng petrolyo at trigo, gayundin ang desisyon ng Department of Agricultre (DA) na mag-angkat ng mga pulang sibuyas.
Samantala, kasama si Pascual sa biyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa switzerland mula January 9 hanggang 20 para dumalo sa World Economic Forum kung saan inaasahan nito na mabibigyang linaw na ang presyo ng mga pangunahing produkto.