Nakipag-ugnayan na ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga mall operators para matiyak na mahigpit na maipatutupad ang mga inilatag na health protocols ng pamahalaan.
Ito ay matapos na aprubahan ng iatf ang muling pagbubukas ng mga non leisure shops sa mga malls at commercial centers sa mga lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ).
Ayon kay trade and indrustry secretary ramon lopez, batay sa special minimum health protocols para sa malls, kinakailangang matiyak na limitado lamang ang bilang ng mga tao na nasa loob depende sa lawak ng espasyo nito.
Kinakailangan ding kuhanan ng temperatura at nakasuot ng mask ang mga papasok, paglalagay ng mga sanitation stations at pagtiyak sa social distancing.
The rule of thumb po dito ay 1 person per 2 sqm., so kung libreng space na nilalakaran sa loob ng tindahan ay nasa 50 sqm., Pwede pa po ang 25 na katao; at any given point in time ‘yung po ang maximum at pati po sa pagsakay sa elevator, skelator mayroong social distancing na ipapatupad. One meter apart pag nasa eskelator at sa elevator naman po if ang capacity ng elevator ay 10 i-didivide by 2 ‘yung lang po ang magiging allowed inside. Ani Lopez