Nanawagan ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga negosyante na huwag samantalahin ang umiiral na community quarantine para taasan ang preyo ng bisikleta at laptop.
Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, nauunawaan ng ahensiya ang pagnanais ng mga negosyante na makabawi sa kanilang lugi bunsod ng dalawang buwan enhanced community quarantine (ECQ).
Gayunman, hindi pa rin aniya tamang gamitin ng mga ito ang nabanggit na dahilan para magtaas ng presyo.
Kaugnay nito, hinimok ni castelo ang mga mamimili na magsumbong at makipag-ugnayan sa dti consumer hotline 1384 o mag email sa consumercare@dti.go.ph sakaling makaranas ng sobrang pagtaas sa presyo ng ilang produkto.
Tumaas ang demand ng bisikleta dahil sa limitadong pampublikong istasyon gayundin ng laptops o computers dahil naman sa alternative work arrangement at blended learning sa pagbubukas ng klase.