Pabor ang Department of Trade and Industry (DTI) sa rekomendasyong unti-unti nang alisin ang alert level system sa Pilipinas bilang bahagi ng pagsisimula ng endemic stage ng COVID-19 mula sa pagiging pandemic.
Ayon kay DTI Spokesperson,Undersecretary Ruth Castelo, dapat ding isipan ng bawat isa na sakaling maging endemic na ang COVID-19 ay makasanayan ng lahat ang pagsunod sa health protocols.
Nilinaw naman ni Castelo na hindi nangangahulugan na kapag bumaba na ang alert level system o tinanggal na ito ay wala nang dapat pag-ingatan.
Hangga’t nananatili anya ang virus ay kailangan parin ng bawat isa na sumunod sa mga public health standards na ipinatutupad ng gobyerno. —sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)