Pagpapaliwanagin ng Department of Trade and Industry o DTI ang mga mag-o-over price sa mga noche buena items.
Ito ang babala ni DTI Assistant Director Lilian Salonga matapos magpakalat ang ahensya sa mga supermarket ng poster na naglalaman ng Suggested Retail Price o SRP para magsilbing gabay ng presyuhan ng mga bilihin lalo na ng mga panghanda sa noche buena.
Ipatatawag umano nila o susulatan at bibigyan ng inquiry letter para magpaliwanag kung bakit hindi nila masunod ang SRP.
Tiniyak naman ni Fidian Ples, Secretary General ng Philippine Association of Supermarkets Inc, na matatag ang suplay ng produktong pang noche buena at nakabatay ang presyo sa inilabas na SRP ng DTI.
—-