Patuloy na hinihimok ng DTI o Department of Trade and Industry ang publiko na mamili ng pagkain sa mga supermarket na mas mura ang presyo kaysa sa palengke.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, mabilis mag reflcet sa presyuhan sa mga supermarket o groceries ang paggalaw ng presyo sa farm gate.
Hindi aniya tulad sa palengke na hkahit gumalaw o bumaba na ang presyo sa farm gate o producers ay hindi pa naibababa ang presyo ng bilihin.
Nilinaw ni Lopez na walang kontrol ang DTI sa mga palengke na aniya’y nasasakop ng local government units kayat siyang dapat na nagbabantay sa presyuhay na ipinatutupad sa mga pamilihan.
Ipinabatid ni Lopez na pinulong na nila ang local market masters na nangakong makikipag tulungan sa kanila subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin tama ang nakikita nilang presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga palengke.