Pinaalalahanan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga negosyante hinggil sa umiiral na price freeze sa buong Luzon.
Kasunod ito ng pagsasailalim sa state of calalamity ng Luzon dahil sa matinding epekto ng pananalasa ng magkakasunod na mga bagyo.
Ayon sa DTI, dapat tignan ng mga esblisyimento gayundin ng mga mamimili ang ipinalabas nilang bulletin na naglalaman ng suggested retail price (SRP) para sa mga bilihin.
Anila, mahigpit nilang binabantayan ang mga manufacturers hindi lamang para matiyak ang presyo kundi maging ang suplay ng mga bilihin.
Kaugnay nito, nagbabala naman ang DTI sa mga lalabag sa patakaran na maaaring makulong ng hanggang 10 taon o multa na mula P5,000 hanggang P1-milyong.