Pinag-aaralan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang posibilidad na lagyan ng cap ang delivery charges sa gitna nang pagtaas ng demand para sa delivery services sa kasagsagan ng quarantine.
Subalit sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na maituturing na convenience ang delivery service at pinapahintulutan ang pagpapataw ng service charge para rito.
Ang consumer protection group aniya ng DTI sa pangunguna ni Undersecretary Ruth Castelo ang tututok sa isyu ng delivery fees at kung posibleng lagyan ito ng price ceiling.