Pinag-aralan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang posibilidad na bawiin na ang kautusang nagli limita sa pagbebenta at pagbili ng ilang pangunahing bilihin.
Ito ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo ay dahil maituturing nang very stable hindi lamang ang presyo kundi maging ang supply ng basic commodities sa bansa.
Sa katunayan aniya ay nakakatanggap na sila ng mga request mula sa manufacturers at retailers na alisin na ang anti hoarding at anti panic buying memorandum circular ng ahensya.
Magugunitang Marso 19 nang ipalabas ng DTI ang kautusan dahil sa hoarding at panic buying na ginawa ng consumers na pinayagan lamang din ng ilang retail stores tulad ng alcohol, hand sanitizer, disinfecting liquids, bath soap at iba pa.