Pinayuhan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga nakakabili ng depektibong produkto online man o hindi na dumulog sa ahensiya kung sakaling hindi tutugunan ang kanilang mga naging problema.
Ito’y sa gitna na rin ng pananatiling malakas nang bentahan ng mga produktong lalo na online.
Sinabi pa ng DTI na kasama rin sa kanilang inirerekomenda na dapat gawin ng mga consumer ay ang pagsunod sa tatlong “R” sa kanilang mamimili.
Una na rito ang repair o ipaayos sa lugar na pinagbilhan, replace o mapalitan ang nasirang produkto na katumbas sa produktong nabili at kung hindi naman magagawa at hindi mapapalitan ang naturang produkto ay karapatan naman ng consumer na humingi ng refund na katumbas ng halagang ibinili.