Mag-aadjust na lamang ng budget ang mga mamimili para sa Pasko.
Kasunod ito sa inilabas na noche buena price guide ng Department of Trade and Industry kung saan nasa isandaan at limampu’t dalawang produkto ang nagtaas ng presyo.
Ayon kay Elvira Delos Reyes, isang mamimili, magbabawas na lamang siya ng budget ngayon taon basta’t matuloy lamang ang noche buena ngayong Pasko.
Hindi rin anya maiiwasang maghanap ng mga alternatibo lalo na kung hindi pasok sa budget ang mga nakasanayan nilang produkto.