Pinag-aaralan pa ng Department of Trade and Industry (DTI) kung maglalabas ng Suggested Retail Price (SRP) sa mga school supplies.
Sa harap ito ng ulat na nagtaas na ng presyo ng mga gamit pang-eskuwela ang ilang tindahan sa Divisoria, dahil sa nalalapit na face-to-face classes ng mga estudyante sa Agosto.
Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, hindi itinuturing na basic necessity ang school supplies kaya walang itinakdang presyo rito.
Sa mga magulang naman ng bibili ng gamit ng kanilang anak para sa pasukan, ipinayo ni Castelo na bumili muna sa mga tindahan na hindi nagtaas ng presyo.
Hindi kasi maiiwasan na magtaas ang mga presyo ng mga bilihin, dahil malaki ang epekto rito ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.