Nagsagawa ng surprise inspection ang mga tauhan ng Department of Trade and Industry (DTI) at Philippine National Police (PNP) sa mga tindahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan.
Sa ikinasang operasyon, mahigit 659 piraso ng paputok na nagkakahalaga ng 39,193 pesos ang kanilang nasabat kasunod ng ipinatupad na random inspection ng naturang ahensya.
Ayon kay DTI Chief Assistant Secretary Ann Claire Cabochan ng DTI Consumer Protection Arm, nakakaalarma na ang pagkakaroon ng mga hindi lisensyadong paputok sa palengke kung saan mabibili ito maraming tao.
Ayon kay Cabochan, kailangan parin na lisensyado ang mga paputok na itinitinda sa merkado dahil maari itong makapinsala sa mga mamimili kung hindi sertipikado.
Matatandaang una nang naglabas ang PNP ng mga regulasyon hinggil sa paggamit ng paputok tuwing holiday maging sa panahon ng bakasyon dahil delikado ito sa kalusugan ng isang tao maging sa kapaligiran. —sa panulat ni Angelica Doctolero