Posibleng mag-issue na ang Department of Trade and Industry (DTI) ng digital passes na nagpapakitang bakunado na ang isang tao.
Sa kasalukuyan ay pawang card o certificates lamang ang ibinigay ng mga local government unit sa mahigit 4.6 na milyong Filipino na nagpabakuna ng first at second dose.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, sa loob ng ilang linggo hanggang isang buwan ay makabubuo na sila ng digital card katuwang ang Department of Information and Communications Technology.
Sa datos ng Department of Health, nasa 1.7 milyong Pinoy na ang fully vaccinated laban sa COVID-19. — sa panulat ni Drew Nasino.