Hindi na gagalaw ang presyo ng noche buena products hanggang matapos ang pasko.
Ito ang tiniyak ni Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ruth Castelo kung saan wala na aniyang magiging pagbabago pa sa Suggested Retail Price (SRP) na naitakda noong Oktubre.
Narito ang presyo ng ilang noche buena items:
Noche buena ham 500grams – 135 hanggang 189 pesos depende sa brand.
Nasa 299 hanggang 1025 pesos naman ang kada kilo ng hamon depende sa luto.
Ang keso de bola naman na 500 grams ay naglalaro sa 280 pesos hanggang 410 pesos.