Iginiit ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) na dapat bumaba ang presyo ng tinapay.
Ito’y dahil malaki na ang ibinaba ng presyo ng trigo sa World Market sa nakalipas na 3 buwan.
Ang trigo ang pangunahing sangkap sa paggawa ng harina.
Sa datos ng DTI mula Hulyo hanggang Setyembre, aabot na sa mahigit 20 porsyento o katumbas ng halos P40 na rollback sa kada sako ng harina.
Sa ngayon, naglalaro sa P840 hanggang P860 ang kada sako ng de-kalidad na harina.
Kaugnay nito, sinabi ni DTI Undersecretary Victorio Dimagiba na susulatan nila ang local flour millers patungkol dito.
Ayon sa DTI, posibleng P0.50 hanggang P1 ang posibleng rollback sa tasty at pandesal.
By Meann Tanbio