Iginiit ng DTI o Department of Trade and Industry na walang dahilan para magtaas ng presyo ng mga school supply.
Kasunod na rin ito nang ginagawang inspeksyon ng mga tauhan ng DTI sa ilang tindahan ng school supplies sa Metro Manila.
Ayon sa DTI, sapat ang supply ng mga gamit pang eskuwela kaya’t walang inaasahang paggalaw sa presyo ng mga ito bagama’t mayroong ilang brand na nagtaas ng P0.25 sentimos hanggang P2.50.
Partikular dito ang mga lapis, ballpen, krayola, paper pad, notebook, pantasa at eraser .
Kasabay nito, tiniyak ng DTI ang mahigpit at patuloy na inspeksyon sa mga tindahan ng school supplies kung sumusunod sa itinakda nilang SRP o Suggested Retail Price ng school supplies.
By Judith Larino