Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez.
Sa inilabas na pahayag ni Lopez, sinabi nito na siya’y asymptomatic o walang nararanasang sintomas ng virus.
Agad namang sumailalim si Lopez sa self-isolation para hindi na makapanghawa pa.
Nauna rito, ani Lopez, nagkaroon muna siya ng contact sa isang taong dinapuan ng virus.