Kinasuhan ng plunder o pandarambong ng VACC o Volunteers Against Crime and Corruption sa DOJ o Department of Justice si Trade Secretary Ramon Lopez gayundin ang mga opisyal ng Hyundai Motors Corporation at Hyundai Resources Automotive Incorporated.
Ito’y makaraang payagan ng Board of Investments o BOI sa ilalim ng DTI o Department of Trade and Industry para maipasok ng BUI sa Pilipinas ang mga sasakyan ng Hyundai na hindi nagbabayad ng tamang buwis sa pamahalaan.
Personal na inihain ni VACC Chairman Manuel Obedoza Jr gayundin ni VACC Legal Counsel at DWIZ Anchor Atty. Ferdinand Topacio ang mga naturang reklamo kalakip ang mga ebidensyang nagpapatunay ng anila’y iregularidad sa nasabing kontrata.
Giit ni Topacio, pinalabas ng Hyundai na disassembled o completely knockdown cars ang mga ipinasok na sasakyan sa bansa para sa isang porsyento lamang ang babayarang taripa sa halip na tatlumpung porsyento.
Maliban sa plunder, sinampahan din ng VACC si Lopez at ang mga opisyal ng Hyundai ng mga kasong estafa , technical smuggling dahil sa panloloko ng mga ito kaya’t nalugi ang gubyerno ng mahigit isang bilyong Piso.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Bert Mozo
Posted by: Robert Eugenio