Pinagbibitiw ng United Filipino Consumers and Commuters si Trade and Industry Secretary Ramon Lopez.
Ito ayon kay RJ Javellana, Pangulo ng grupo ay dahil hindi makatuwiran ang naging pahayag ni Lopez na ipaubaya na lamang sa mga negosyante ang pagtatakda ng SRP o Suggested Retail Price ng mga pangunahing bilihin.
Sinabi sa DWIZ ni Javellana na nakakalungkot ang naturang pahayag ni Lopez dahil malinaw na kumalas na ito sa mandatong protektahan ang publiko.
“Ito ang nakalulungkot na suhestyon at hakbang ng DTI lalo sa panahon na maraming mga Pilipino ang hirap na hirap po, mahigpit na ang mga sinturon at kung tayo’y ipapakain sa mga buwaya at mga negosyante, katulad halimbawa ng mga ganid na oligarko ay lalong malulubog sa kumunoy ang inyong nanay, tatay so talagang malungkot na balita na tatanggalin na ang Standard Retail Price.” Pahayag ni Javellana
Sa ilalim ng bagong patakaran na pinaplantsa ng DTI, hindi na kailangang ipagpaalam sa kanila ang pagtatakda ng SRP o Suggested Retail Price ng mga pangunahing produkto.
Kailangan lang mag-abiso ng manufacturer o negosyante sa DTI, 30-araw bago ang palit-presyo.
Pero paglilinaw ng DTI, hindi pa pinal ang bagong patakaran dahil may nakatakda pang pagdinig hinggil dito sa susunod na linggo.
By Judith Larino | Ratsada Balita (Interview)
DTI Secretary Lopez pinagbibitiw sa puwesto sa isyu ng SRP was last modified: June 21st, 2017 by DWIZ 882