Ipinasisibak ng ilang labor groups si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez.
Ito ang nagkakaisang panawagan ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) at Federation of Free Workers (FFW).
Ayon sa TUCP, walang ginawa si Lopez para protektahan ang taongbayan mula sa mga mapagsamantalang negosyante.
Kuwestyonable naman para sa FFW ang kakulangan ng political will ng pamahalaan para magpatupad ng price ceiling sa mga pangunahing bilihin sa harap ng sobra-sobrang pagtaas ng presyo ng mga ito.
Sinabi ni Julius Cainglet, Vice President ng FFW na hindi nila maintindihan kung bakit tila nais ng DTI na panatilihin ang kita ng mga kumpanya sa halip na tignan ang kapakanan ng mahihirap.
—-