Inamin ng Department of Trade and Industry (DTI) na wala silang kakayahan na suriin at ipa-recall ang Montero Sport sa gitna ng dumaraming reklamo dito.
Ayon sa DTI, wala silang kakayahang teknikal para gawin ito maliban lamang kung boluntaryo itong gagawin ng Mitsubishi motor.
Ayon sa kumpanya, sa Thailand galing ang Montero Sport at ini-export sa buong timog silangang Asya ngunit sa Pilipinas lamang naitala ang problema sa hindi makontrol na pag-arangkada ng naturang SUV model.
Nakatakda namang sagutin ng Mitsubishi Motors ang isyu sa isang press conference sa Biyernes.
100 cases
Samantala, halos 100 na ang naitalang kaso ng sudden unintended acceleration o biglaang pagharurot sa Montero Sport.
Ito ang inamin ng Mitsubishi Motors sa pagdinig ng kamara noon pang Mayo.
Kabilang sa mga nabiktima nito ay ang anak ni Ilocos Norte Cong. Rudy Fariñas na si Board Member Ria Fariñas kung saan dalawa ang namatay sa insidente at ilan pa ang sugatan.
Una nang inirekomenda ng House Committee on Trade and Industry na ipatigil ang pagbili sa Montero Sport at iutos ang pag-pullout hangga’t di pa nare-resolve ang isyu.
Ayon sa mga bagong biktima, pagpapatunay lamang ito na hindi sinunod ng gobyerno ang naging rekomendasyon.
By Rianne Briones