Target ng Department of Trade Industry (DTI) na magpataw ng mas mababang presyo ng mga karne ng baboy at manok sa mga supermarket.
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, kukumbinsihin nila ang mga supermarket owners na ibenta ang mga meat products sa presyo na mas mababa pa sa itinakdang price cap ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Minomonitor din aniya nila ang mga presyo ng mga imported pork products upang mapunan ang problema sa pagtaas ng presyo karne sa merkado.
Dagdag pa ni Castelo, nakikipagtulungan din sila sa National Bureau of Investigation at Pambansang Pulisya upang makontrol ang pagkakaroon ng price hikes sa mga meat products.