Mahigpit na tinututukan ng Department of Trade and Industry ang suplay at presyo ng mga bilihin, lalo na ng mga produktong pang-Noche Buena.
Pinawi ni DTI secretary Aflredo Pascual ang pangamba ng mga mamimili sa mga mapagsamantalang negosyante kasunod ng pagsirit ng presyo ng mga bilihin bunsod ng giyera sa silangang Europa at ipinatutupad na lockdowns sa China dahil sa pagtaas ng mga kaso ng Covid-19.
Pinayuhan ng kalihim ang publiko na agad na ipagbigay-alam sa kanila kung mayroong mga negosyante na nagpapataw ng higit sa 10% sa presyo ng mga ibinebenta nilang produkto.
Maaari itong isumbong sa pamamagitan ng kanilang hotline number na 1384 at email na consumercare@dti.gov.ph