Nananawagan ang DTI o Department of Trade and Industry sa publiko na isumbong kaagad sa kanila ang mga nagtataas ng presyo lalo na ng Noche Buena products.
Ito ayon kay DTI Consumer Protection Advocacy Bureau Director Lilia Salonga ay bagamat pasok pa sa SRP o suggested retail price ang mga pang Noche Buena package sa ibat ibang pamilihan sa bansa .
Tiniyak muli ni Salonga ang mahigpit na pagbabantay nila para matiyak na walang pagtaas sa presyo ng Noche Buena items.
By: Judith Larino