Mahigpit na binabantayan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang presyuhan ng mga Noche Buena items salig sa 2019 suggested retail price (SRP).
Ayon kay DTI Sec. Ramon Lopez, mayruon aniya silang close coordination ng mga pribadong kumpaniya mula nuong isang buwan upang masigurong walang pagtataas sa presyo ng mga pangunahing pangangailangan at Noche Buena products ngayong Kapaskuhan.
Tiniyak din sa kaniya ng mga manufacturers ng Noche Buena items na pananatilihin nila ang kanilang presyuhan sa kabila ng krisis dulot ng COVID-19 pandemic.
Nabatid na bumilis ng 3.3% ang inflation rate ng bansa nitong Nobyembre na mas mataas sa flat 3% na naitala nuong Abril.