Tinutulan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang panukala ng pribadong sektor na gawing mandatory ang vaccine pass bilang requirement bago makapasok sa lahat establisyimento.
Ito ang iginiit ni DTI Secretary Rramon Lopez, maaaring maging isyu ito ng diskriminasyon gayong maliit na porsiyento pa lamang ng bansa ang nababakunahan kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Dagdag ni Lopez, nasa 2% o 2-milyon pa lamang ang kabuuang populasyon ang naturukan ng bakuna sa bansa.
Dahil dito, sinabi ni Lopez na pag-aralan ng mabuti ng pribadong sektor ang naturang panukala kapag tumaas na ang bilang ng mga nabakunahang mamamayan. —sa panulat ni Rashid Locsin