Tiwala ang Department of Trade and Industry (DTI) na mabilis na makabababawi ang ekonomiya ng Pilipinas mula sa naging epekto ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, maganda at malakas ang ekonomiya ng Pilipinas kung saan nasa top 2 aniya ang bansa sa ASEAN region, bago tamaan ng pandemiya ang buong mundo.
Nitong Enero at Pebrero aniya ng kasalukuyang taon, positibo ang paglago ng export rate ng bansa.
Dagdag ni Lopez, sa tulong din ng inihahandang economic stimulus package ng pamhalaan kasama ang Kongreso, makatitiyak na magiging mabilis lamang ang pagbangon ng ekonomiya ng Pilipinas.
Gusto po natin ma-revive ang ating ekonomiya, kaya po napaka-importante makabalik na po sa trabaho ang ating kababayan sa ganoon paraan may magandang income nila. Ito po ay magsisimula muli ng pag-gulong ng ekonomiya pagkat sila po ay may trabaho ulit at pinagkikitahan ay sila po magiging source ng demand of products; at nandiyan na ang demand. lalo pong gagana ang negosyo at sana po makabangon ulit ang atin ekomomiya. ani Lopez