Tutol si Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na ibalik sa mas mahigpit na quarantine ang bansa.
Dahil sa pagdami ng kaso ng COVID-19, marami ang nagmumungkahi na ibalik sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila at iba pang lugar na mataas ang kaso ng COVID-19.
Ayon kay Lopez, sa ngayon ay nasa 95% na ng mga industriya ang nakapagbukas sa ilalim ng kasalukuyang GCQ.
Ang 5% na lamang anya na hindi pinapayagan ay ang mga sektor na nakikita nilang malakas ang hawaan tulad ng entertainment centers at iba pang aktibidad kung saan nagtitipon tipon ang mga tao.
Mahirap na pong isipin na magsasara ulit ang mga kumpanya dahil humahabol tayo sa pag increase ng economic activities dahil marami talagang nahirapan. Lalo pong mabibigatan ang pressure din sa gobyerno na magbigay ng social amelioration package pag may isasara pa tayong mga industriya,” ani DTI Secretary Ramon Lopez.