Tutulungan at pauutangin ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga maliliit na negosyante na naapektuhan nang pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Tiniyak ito ni Trade Secretary Ramon Lopez, sa gitna na rin nang pag-aayos nila ng P50-milyong pautang sa mga apektadong negosyante.
Ayon kay Lopez, handa na silang magbigay ng P7,000 hanggang P10,000 livelihood assistance sa mga pumasa sa kanilang assessment.
Una nang nagbigay ng P25,000 na pautang ang Department of Agriculture (DA) sa mga naapektuhang biktima na babayaran sa loob ng tatlong taon.