Umapela ang Department of Trade and Industry (DTI) na gawing batas ang proyekto ng gobyerno na layong mapahinto ang 5-6.
Sa budget hearing ng Kamara, sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez, ang Pondo ng Pagbabago at Pag Asenso (P3) ang susi para tuluyang mabuwag ang 5-6 na kadalasang takbuhan ng maliliit na negosyante gaya ng market vendors, sari–sari store owners at iba pa.
Nasa P4-B kada taon ang kailangan para sa implementasyon ng nasabing programa.
Hindi tulad sa 5-6 na 20 percent kada buwan ang tubo, ang P3 ay nagbibigay lamang ng 2.5 percent na interes kada buwan.
Sa ilalalim ng programa ay maaring makahiram mula 5,000 hanggang P300,000 depende sa laki at kakayahang magbayad ng isang negosyante.