Duda ang DTI o Department of Trade and Industry sa dahilan ng napaulat na pagtaas ng presyo ng bigas at manok.
Ayon kay DTI Undersecretary Ted Pascua, walang dahilan para tumaas ang presyo ng manok lalo na ang bigas.
Sinabi ni Pascua na hindi pa tapos ang panahon ng anihan ng palay maliban pa sa dumating na ang inangkat na commercial rice sa ibang bansa.
Sa kaso naman anya ng manok, posibleng bumalik lamang sa normal ang presyo nito matapos tumaas nuong panahong nagkaruon ng bird flu sa Pampanga.
Gayunman, tiniyak ni Pascua na mag-iikot muli ang DTI upang suriin ang presyo ng mga pangunahing bilihin lalo na ngayong panahon ng kapaskuhan.