Nagpatupad ng price freeze ang Department of Trade and Industry (DTI)-Zambales sa mga basic necessities matapos ang naging epekto ng bagyong Karding sa lalawigan partikular na sa Bayan ng Cabangan na pinaka hinagupit ng nagdaang bagyo.
Sa nilagdaang Sangguniang Bayan (SB) resolution no. 2022-88 series of 2022, opisyal na idineklara ang State of Calamity sa naturang bayan na tatagal hanggang sa October 28.
Nagpaalala naman ang DTI sa mga mamimili at retailers, na may automatic price control ang mga pangunahing bilihin sa lugar na dineklarang disaster area batay narin sa Section 6 ng Republic Act 7581 o Price Act.