Sobrang bigat na ng pasanin ng taumbayan sa sunod-sunod na pagtaas ng mga pangunahing bilihin kaya dapat maging proactive ang DTI sa halip na mag-aantay na lamang itong tumaas ang mga presyo na wala man lamang gagawing paunang hakbang
Ito ang inihayag ni Sen.Kiko Pangilinan makaraang manawagan sa Department of Trade and Industry na makialam o umaksyon sa naka ambang pagtaas ng presyo ng tinapay.
Giit ni Pangilinan milyung milyon pa nating mga kababayan ang naghihirap dahil sa epekto ng pandemya at ng paghagupit ng bagyong Odette.
Ang panawaga ni Sen. Pangilinan ay sa harap ng report na hinihiling ng pinakamalaking asosasyon ng bread makers sa gobierno na makapagtaas sila ng presyo ng kanilang produkto kasama ang pinoy tasty at pinoy pandesal.
Ayon kay Pangilinan ang pagtaaas ng presyo ng mga bilihin tulad ng tinapay ay magpapataas sa bilang ng mga nagugutom lalo na ng mga bata na naninirahan sa mga pinaka apektadong lugar. —ulat mula kay Cely Ortega Bueno (Patrol 19)