Isinusulong din sa ilalim ng Federalismo ang dual party system sa bansa.
Sa pagdinig ng House Committee on Constitutional Amendments, inihayag ni Vice Chairperson Corazon Nuñez-Malanyaon na ang dual party ang kanilang inirekomenda sa ilalim ng bagong party system ng Federal Government.
Ito’y upang maalis na ang multi-party system na siyang umiiral ngayon sa pamahalaan.
Gayunman, umalma si Surigao Del Norte 2nd District Rep. Robert Barbers at iginiit na mahalaga ang ginagampanan ng mga partido sa pamamahala sa bansa na hindi dapat isantabi sakaling magpalit na ng sistema ng gobyerno.
Ang dapat aniyang gawin ay pagtibayin ang party system sa bansa at sakaling dalawa na lamang ang partido sa bansa ay baka wala nang sumali sa isang partido.