Makabubuti umanong dukutin o kaya’y patayin ang Abu Sayyaf Group.
Inihayag ito ni returning Senator Panfilo Lacson sa harap ng panibagong insidente ng pamumugot ng Abu Sayyaf sa isa pang Canadian National na si Robert Hall.
Sinabi ni Lacson na sa ilalim ng liderato ni incoming President Rodrigo duterte ang tamang panahon para lutasin at wakasan na ang patuloy na paghahasik ng karahasan ng mga bandido.
Naniniwala si Lacson na base sa karanasan at mga pronouncement ni Digong, makakayang lipulin ang Abu Sayyaf sa ilalim ng Duterte administration.
Kaugnay dito, handang suportahan ni returning Senator Panfilo Lacson ang panukala at panawagang pagkalooban ng emergency power si incoming President Rodrigo Duterte.
Pero, ayon kay Lacson, ito ay kung hindi lang sa pagresolba ng malalang problema sa trapiko gagamitin ang emergency power.
Giit ni Lacson, dapat ay gamitin din ito sa iba pang mga nakapepesteng problema ng bansa tulad ng patuloy na paghahasik ng karahasan ng Abu Sayyaf Group at talamak na illegal drugs.
Sa kabila nito, sinabi ng Senador na sa pagbibigay ng emergency power sa Pangulo, hindi nangangahulugan na pahihintulutan na ang pagbalewala nito sa mga umiiral na batas sa bansa.
By: Meann Tanbio