Nababahala si Senadora Leila De Lima sa dumadalang na balita hinggil sa extra judicial killings (EJK) sa bansa.
Ayon kay De Lima, tila nagkakaroon na ng news fatigue o nawawalan na ng gana ang publiko sa nasabing usapin.
Ikinalulungkot rin ng senadora na tila hindi na mabigyan ng halaga at espasyo sa mga pahayagan ang mga kaso ng EJK.
Aniya, bigla ring nanahimik ang mga otoridad sa pagbibigay ng official body count ng mga napapatay sa police operations at ng mga hindi nakikilalang salarin o vigilante.
Kasunod nito, hinimok ng senadora ang publiko na manawagan ng transparency at accountability kaugnay ng mga kaso ng EJK sa bansa.
By Krista De Dios | With Report from Cely Bueno