Pagkakasangkot sa illegal drugs ang dahilan nang pagkakakulong ng 30 porsyento ng mga Overseas Filipino Workers (OFW’s) sa Jeddah, Saudi Arabia.
Dahil dito, ipinaabot ng konsulado ng Pilipinas sa bansa ang pagkaalarma sa tumataas na kaso ng illegal drugs na kinasasangkutan ng mga Pilipino.
Batay sa records, 60 mula sa 200 Pinoy na nakakulong sa Jeddah ay sangkot sa paggamit, pagbebenta at pagpupuslit ng iligal na droga.
Isang OFW ayon sa report ang nasa death row at isa naman ay sumasalang sa deportation process.
Immorality at theft naman ang ikalawang dahilan nang pagkakakulong ng mga OFW sa nasabing bansa.
By Judith Larino