Lilimitahan na lamang sa maliliit na eroplano ang Dumaguete airport.
Kasunod ito nang inirereklamo ng mga piloto na puno na nakaharang sa mismong runway.
Ayon sa CAAP o Civil Aviation Authority of the Philippines, December 2013 pa nang sulatan nila ang pribadong indibidwal na may-ari ng lupaing nakakasakop sa punong humaharang sa runway.
Gayunman, sinabi ng CAAP na wala pa rin silang nakikitang aksyon ng may-ari kaya’t mapipilitan silang i-down grade ang nasabing airport kung saan hindi muna makakalapag dito ang mga airbus.
Dalawampu’t siyam (29) na domestic flights at biyahe ng general aviation private aircraft ang apektado ng runway restriction.
By Judith Larino | Raoul Esperas (Patrol 45)