Binigyan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng isang buwan ang pamunuan ng Dumaguete airport para ipaputol sa may-ari ng lupa sa dulo ng runway nito ang mga itinanim na puno.
Ayon sa CAAP, ang puno sa dulo ng runway ay maaaring magdulot ng aksidente, lalo na at sa halip na sundin ang una nilang babala, ay dinagdagan pa ng may-ari ng naturang lupa ang puno na nakatanim doon.
Binigyang diin ng CAAP na sakaling hindi ito masunod, maaring ma-downgrade ang paliparan, at kung noon ay maaaring lumapag dito ang malalaking eroplano katulad ng airbus, lilimitahan na lang ito sa mga maliliit na eroplano.
By Katrina Valle | Raoul Esperas (Patrol 45)