Mayroon na lang hanggang sa katapusan ng buwan bago tuluyang ma-downgrade ang Dumaguete Airport.
Batay sa liham ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General William Hotchkiss sa lokal na pamahalaan ng Dumaguete, ito ay kung hindi pa din maipatatanggal ang puno sa dulo ng runway sa lote sa labas ng airport.
Sinabi ni Hotchkiss na maaaring magsilbing distraction ang puno at ito ay maaaring magdulot ng aksidente.
Sakaling ma-downgrade, tanging ang mga propeller type o maliliit na eroplano nalang ang maaaring gumamit sa paliparan.
By Katrina Valle | Raoul Esperas (Patrol 45)