Mahigit 640 milyong tao na sa buong mundo ang obese.
Ito’y base sa pag-aaral ng Global Trends in Body Mass Index o BMI kung saan lumilitaw na mahigit sa isa sa sampung lalaki at isa sa pitong babae ay matataba.
Mas marami na rin umano ang mga overweight na tao kumpara sa mga underweight.
Ayon kay Prof. Majid Ezzati ng School of Public Health sa Imperial College London, nakababahalang mas dumarami pa ang mga obese at nagiging banta ito sa kanilang kalusugan.
Dahil dito, iminungkahi ni Ezzati ang pagpapababa sa presyo ng mga healthy foods at pagpapataas naman sa halaga at tax ng mga pagkaing sagana sa asukal at processed foods.
By Jelbert Perdez