Bagamat mataas pa rin ang popularidad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pinakahuling survey ng Social Weather Station o SWS, iginiit ni Senador Panfilo Lacson na dapat ding tingnan na dumarami na ang nadidismaya rito.
Kung susuriin, ayon sa Senador, ang dating 2% lang na ayaw kay Pangulong Duterte ay umakyat na sa 8% at bumaba na rin siya ng 11% sa Mindanao.
Binigyang-diin ni Lacson na hindi maaaring laging magsalita ang Pangulo ukol sa pagpatay sa mga drug suspect at pagmumura dahil maaaring maapektuhan ang tiwala sa kanya ng bayan.
Pero, hindi na inaasahan pa ni Lacson na magbabago ng pananalita ang pangulo sa kabila ng pangako na itong magme-metamorphose o magbabago para maging statesman sa pagsasalita.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno